^

Punto Mo

Pizza delivery man, nagpanggap na pulis para magpa-impress sa siyota, arestado

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang paraan ni Christopher Smart ng Florida para magpasikat sa kanyang girlfriend. Nagpanggap siyang pulis. Si Smart ay nagtatrabaho nilang delivery man ng isang pizza house sa Florida. Pero ang kanyang pagpapanggap na pulis ang naghatid sa kanya sa kulungan.

Araw-araw, pagkatapos ng kanyang duty sa pizza house, magpapalit na ng damit si Smart. Uniporme ng pulis ang kanyang isinusuot. Lagi siyang may dalang uniporme ng pulis.

Magtutungo siya sa bahay ng kanyang siyota na animo’y tunay siyang pulis. At wala namang nakahahalata sa kanya. Maski ang kanyang siyota ay walang kamalay-malay na pekeng pulis si Smart. Paano’y maraming kinukuwento si Smart. Halimbawa ay ipinagyayabang niya na marami siyang naaresto sa maghapon.

Para lalong ma-impress ang siyota, nagbibigay pa siya ng legal advice sa mga magulang at kapatid nito.

Pero nabuking din si Smart. Inaresto siya ng mga tunay na pulis dahil sa pagkukunwaring pulis.

Nang imbestigahan kung saan galing ang police uniform, inamin niyang uniporme iyon ng boyfriend ng kanyang sister­ na isang tunay na pulis. Hiniram umano niya. At nagawa raw niyang magpanggap na pulis para lang magpasikat sa siyota at magulang nito.

 

vuukle comment

ARAW

CHRISTOPHER SMART

HALIMBAWA

HINIRAM

INARESTO

KANYANG

PERO

PULIS

SI SMART

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with