^

Punto Mo

Masakit ang tuhod

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

ANG sakit sa tuhod ay nararamdaman nang maraming tao. Kadalasan ito ay nag-uumpisa sa edad 40 pataas. Ang pa-ngunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay ang arthritis, isang sakit ng pag-edad.

Kung ika’y sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod mo. Kung sobra ka rin sa ehersisyo, tulad ng mga runner, kickboxer o basketball player, puwedeng mapuwersa ang iyong tuhod.

Ano ang dapat iwasan?

Huwag mag-buhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat.

Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.

Huwag tumayo o maglakad nang matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo.

Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-high heels, pero malaki rin ang stress nito sa ating tuhod.

Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag ika’y nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod.

Ano ang dapat gawin?

Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat. Hindi kasi kaya ng tuhod ang bigat ng iyong tiyan!

Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Magtsinelas ng makapal ang suwelas. Makatutulong ito para hindi matagtag ang tuhod.

Palakasin ang masel sa hita. May mga ehersisyo para rito. Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang (Half squat at hindi full squat.). Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.

Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag

o cold compress.

Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk (gatas) na may maraming calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.

Subukan ang Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay maaaring ma­ kabawas sa sakit ng tuhod. Ayon sa pagsusuri, posibleng matulungan ng glucosamine ang maninipis nating kasu-kasuan (joints).

Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, magpakonsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.

Tandaan: Ingatan at alagaan ang tuhod. Huwag puwersahin at tagtagin sa trabaho. Ipahinga ang tuhod para humaba ang gamit natin nito.

Good luck po.

ALAM

ANO

AYON

BUMILI

HUWAG

INGATAN

KAPAG

PALAKASIN

TUHOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with