^

Punto Mo

Paano sasabihin ang ‘Mahal Kita’……sa 7 malikhaing paraan?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Magpagawa ng sariling portrait at ito ang iregalo sa kanya.

Bumili ng love bird at ito ang iregalo sa mahal mo. Kung can afford ka at matagal pa ang Valentines Day, ang bilhing ibon ay talking bird at hilingin sa pet store na turuang magsalita ng “I LOVE YOU, (pangalan ng lover)”—ang ibon.

Gumawa ng sariling love letter. Mas romantic iyon kaysa greeting card na hindi galing sa iyo ang salitang nakatitik sa card.

Kung hindi ka magaling gumawa ng love letter, maikling love notes na lang  ang gawin mo, mga dalawang kopya. Isingit ang isa sa unan ng iyong mahal at isa pa ay sa bag o attach case niya. Pagtulog niya sa gabi ay mararamdaman niya ang papel na kinasusulatan ng love letter. Pagdating naman sa office ay mabubuklat niya ang isiningit mong love letter.

Sa umaga ng February 14, unahan mong pumasok sa toilet ang iyong mahal. Magsulat ng Valentine message sa mirror ng bathroom gamit ang basang sabon bilang pansulat. Ewan ko lang kung hindi mapangiti.

Gumawa ng jigsaw puzzle gamit ang picture ninyong dalawa. Pagtulungan ninyong buuin ito.

Magpagawa ng video kung saan pinagdugtong-dugtong mo ang mga nakaraang video kung saan kayo ay magkasama. Kung mag-asawa, huwag kalimutang isama ang video ng inyong kasal. Panoorin ito habang magkasalo kayo sa isang bowl na popcorn.

BUMILI

EWAN

GUMAWA

ISINGIT

KUNG

LOVE

MAGPAGAWA

MAGSULAT

PAGDATING

VALENTINES DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with