^

Probinsiya

P8 milyong puslit na yosi lulan ng abandonadong truck, nakumpiska

John Unson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

COTABATO CITY , Philippines — Nasamsam ng pulis ang P8 milyong halaga ng mga imported na sigaril­yong lulan ng isang van-type truck na nakaparada sa gilid ng highway sa Kabacan, Cotabato nitong Huwebes.

Sa ulat ng Kabacan Municipal Police Station nitong Biyernes, maagap na nakumpiska ang naturang kontrabando matapos mag-ulat ang ilang impormante hinggil sa presensya ng isang abandonadong van-type 10-wheeler truck sa Sitio Malabuaya, Barangay Kayaga na may kargang bigas at malalaking kahon na may lamang mga sigarilyong mula sa Indonesia.

Ayon kay Lt Col. April Lou Palma, acting Kabacan police chief, ina­alam pa ng mga imbestigador at mga kawani ng Kabacan municipal government kung sino ang may-ari ng naturang truck.

Magkatuwang na kinumpiska ng mga ope­ratiba ng Kabacan MPS at ng mga kawani ng Kabacan local government unit ang naturang mga imported na sigarilyo.

May teorya ang mga barangay officials sa Kabacan na posibleng inabandona ang natu­rang truck ng driver nito at kasamang helper nang mapuna na may mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint operation sa mga unahang parte ng highway na kanilang dadaanan.

MPS

PALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with