^

PSN Showbiz

Walang ending...maid in Malacañang malabo na ang third installment

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Walang ending...maid in Malacañang malabo na ang third installment
Sen. Imee Marcos

Inamin ni Sen. Imee Marcos na hindi nagpaawat si Direk Darryl Yap.

Charged na ng two counts of cyber libel sa Muntinlupa Regional Trial Court ang direktor dahil sa umano’y paninirang-puri sa actor/TV host na si Vic Sotto kaugnay ng trailer ng kontro­bersyal na pelikula ng huli na The Rapists of Pepsi Paloma.

Ang kontrobersyal na direktor ang humawak ng pelikulang Maid in Malacañang na sinundan ng Martyr or Murderer.

Pero sabi ni Sen. Imee ay malabo na ang third installment nito dahil hindi na aniya alam kung paano tatapusin.

“Ito naman si Darryl, ‘di paawat eh. Kaya ito, mag-ingat na lamang. Mautak naman ‘yun dahil alam ko na kaya niya ‘yung labanan sa korte at ipakita kung ano talaga ang nararapat,” aniya kahapon tungkol sa kinakaharap na kaso ni Direk Darryl Yap.

Anyway, inamin din ng senadora na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa sila nag-uusap ng kanyang kapatid na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Darryl Yap

Say niya sa ginanap na Pandesal Forum kahapon hosted by Wilson Lee Flores na ginanap sa Kamu­ning Bakery, may mga humaharang kaya hindi sila nakakapag-usap ng kapatid.

Maraming beses daw siyang sumubok na kausapin ito bago pa nagkaroon ng alitan sina PBBM at Vice President Sara Duterte.

“I’ve tried very hard to maintain a relationship, but it seems that we are being torn apart by many personalities and forces that have their own agenda. It’s a really heartbreaking story for me,” kumpisal pa ng senadora kahapon

“Ang totoo, hindi na kami nag-uusap, eh. Nakikita ko lang sa public places kung saan maraming tao at napakabilis lang,” dagdag pa niya.

Matagal na raw actually sila na may tension, bago pa ito naupong pangulo ng bansa.

Hanggang lumala na raw ito sa paglipas ng panahon. “Lumabas na ‘yung issue ng budget,” sabi niya.

Hanggang sa kanyang pagkontra sa impeachment ni VP Sara at ito ngang huli, ang pagtutol din niya sa pagkakaaresto ng ICC kay dating pangulong Rodrigo Duterte. “Napipilitan akong magsalita sa publiko dahil baka sakali, eh mabigyan ng pansin,” dagdag pa niyang pahayag sa harap ng ilang entertainment media kasama ang ilang international media.

Katuwiran niya pa : “Hindi dapat na sinumang Pilipino ay palayasin sa kanilang bansa at dalhin sa iba pang lugar. Hindi tama ‘yun. Alam naman natin ipinag­lalaban natin. Kaya kinakailangang intindihin natin ang nangyari.”

Naalala niya sa nangyari nung palayasin sila noon ng Pilipinas.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->