^

PSN Showbiz

Arci inaming nagka-jowa ng prinsipe; may regret sa pagpaparetoke

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arci inaming nagka-jowa ng prinsipe; may regret sa pagpaparetoke
Arci Muñoz

Isang prinsipe ng Brunei ang dating kasintahan ni Arci Muñoz.

Ayon sa aktres ay talagang ‘ultimate love’ niya ang binata noon. “He is such a great guy. I had the best time of my life. It’s simple yet luxurious at the same time because this person is so simple. Yet with his estado niya sa life, he doesn’t really use that. He’s so down to earth. He makes me feel like a queen. He’s a nice guy. He’s so humble. Like sometimes he runs away from the bantay (body guard). Kasi he wants his privacy also and freedom. And he’s very cool,” pagbabahagi sa amin ni Arci sa Fast Talk with Boy Abunda.

Wala nang komunikasyon sa pagitan ng aktres at dating kasintahan. Aminado si Arci na maraming bagay ang kanyang natutunan mula sa naging relasyon. “You just can’t love somebody that much. Kasi parang we had this really deep connection and he set the standards so high. Natutunan ko tuloy ang hirap na mag-boyfriend ngayon. But I’m so happy for him. If I see him, which was never happened yet, I wanna tell him how happy I am for him. ‘Coz our relationship, kahit na we didn’t end up together, I admit na talagang, it’s just solid, it’s fun, unforgettable. We had a great time” makahulugang paglalahad ng dalaga.

Wala mang kasintahan ngayon ay nangangarap pa rin si Arci na maging isang ina balang araw.

Para sa aktres ay mas mabuting magkaroon siya ng sariling pamilya upang masaksihan ng sariling ina. “I wanna be a mom. I wanna see my kids. I wanna have kids while my mom is still there. I want my mom see me having kids,” giit niya.

Samantala, isa si Arci sa mga artistang sumailalim sa ilang beauty enhancement. Ayon sa dalaga ay mayroon din siyang mga pinagsisihan sa ginawang pagpaparetoke noon. “Tito naman, obvious ba? OG na OG na nga ako diyan. Napapagod na nga rin ako eh, sobrang pagod na ako. Ngayon nauuso ‘yung pag-video-video (ng pagpaparetoke), girls, nauna  ako diyan. Kaya kung meron kayong gusto, i-consult n’yo na lang ako. Actual­ly, may reason kung bakit nangyari sa ‘kin ‘tong mga ‘to. May mga regret din ako pagdating diyan eh. Pero alam mo, sinabi ko sa sarili ko God has a purpose because I learned. If I think they don’t really need to do it, no, no girl, ‘wag talaga. You’ll regret it, sige ka. So ako talaga, ‘yon pala ‘yung reason. ‘Yon pala ‘yung purpose ko,” pagtatapat ng aktres.

Maraming beses umanong mayroong inayos sa ilong ng dalaga. Kung maaari lamang daw balikan ni Arci ang panahon ay hindi na dapat siya nagparetoke noon. “Marami eh, alin do’n, anong version? Kasi nga I’m very spontaneous, kung ano maisip ko, dati ‘to ha, pero ngayon mas less is more na talaga. That’s why I always tell them you really have to think it through. ‘Wag kang tutulad sa akin na talaga very ang tigas ng ulo ko. Dati kasi walang nagga-guide sa akin. I do whatever I want. If I can go back to that time when I didn’t touch anything, I would go back there. Pero since I already did it, I’m never gonna stop, charot lang,” natatawang pahayag ni Arci. — Reports from JCC

ARCI MUñOZ

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->