^

Probinsiya

DPWH kinalampag sa lubak-lubak na kalsada sa Pagbilao, Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
DPWH kinalampag sa lubak-lubak na kalsada sa Pagbilao, Quezon
Ang pahirap sa mga motorista na lubak-lubak na kalsada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Pagbilao, Quezon na sakop ng Distrito 1.

MANILA, Philippines — Umapela ang mga residente at mga motorist sa lalawigan ng Quezon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ayusin ang mga lubak-lubak na kalsada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Pagbilao sa nasabing lalawigan.

Reklamo ng mga residente, ilang taon na silang nagtitiyaga sa malalalim na lubak partilular na sa Brgy. Malicboy bago dumating ng zigzag o mas kilala bilang Bitukang Manok.

Maliban dito, marami rin sira-sirang kalsada o daan sa Brgy. Malicboy, Pagbilao na nagdudulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Nabatid na ang nasabing lugar ay sakop ng Distrito 1 ng Quezon na nasa hurisdiksyon ni Congressman Mark Enverga. Subalit dahil hindi naman dito ang daanan patungo sa distrito ni Enverga at hindi ito napagtutuunan ng pansin.

Ang Brgy. Malicboy, Maharlika Highway ay ang pangunahing kalsada na daanan ng mga sasakyan at truck patu­ngong Distrito 4 o mga bayan ng Atimonan, Gumaca, Lopez at hanggang sa mga lalawigan sa Bicol at Samar.

Umapela naman si Quezon Governor Doktora Helen Tan sa DPWH na agad ayusin ang mga bako-bakong kalsada dahil lubhang nakakaapekto na ito sa pang-araw araw na buhay ng mga residente at maging sa turismo dahil sa napakahabang traffic na sinusuong ng mga commuters.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with