^

Probinsiya

P3.4 milyong shabu nakumpiska sa Bacoor buy-bust, 3 HVI timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang tatlong hinihinalang drug dealer ng shabu matapos masamsaman ng may P3.4-milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Maliksi 1, Bacoor City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Darry, alyas Mary Rose at alyas Mark, pawang nasa listahan ng mga High Value Individuals (HVI) ng pulisya at residente ng Brgy. Maliksi 1, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:50 ng madaling araw nang ikasa ng Bacoor City Police-Drug Enforcement Unit ang buy-bust laban sa mga suspek kasunod ng ilang araw na surveillance.

Nangmagkapalitan ng marked money at drogang binili ay agad na inaresto ang tatlong suspek. Na­rekober sa kanila ang 4-transparent plastic sachet na may lamang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000; ang buy-bust money at isang cellphone.

vuukle comment

BACOOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with