^

Probinsiya

3 governor, solon nagkasundo sa mapayapang halalan sa BARMM

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nagkasundo ang tatlong provincial governors sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang congressman ng isa sa anim na BARMM provinces na magtulungan para sa mapayapang 2025 regional and local elections sa mga lugar na kani-kanilang sakop.

Ito ay matapos isagawa ang isang da­yalogo sa Metro Manila kamakalawa na pina­ngunahan nina Sulu Gov. Hadji Sakur Tan, Ma­guindanao del Sur Gov. Mariam Mangudadatu, Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., Basilan Cong. Mujiv Hataman at Suharto Mangudadatu, dating governor ng Sultan Kudarat na ngayon ay director-general na ng Technical Education and Skills Development Authority.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Adiong, nabuo ang naturang alyansa kaugnay ng kanilang mithiin na magtulungan sa pagsulong ng peace at sustai­nable development sa BARMM na sakop ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato.

Isa si Adiong sa mga namumuno ng Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo, o SIAP regional party, na naglalayong mapaunlad ang commerce and trade sa mga liblib na mga barangay sa BARMM sa pamamagitan ng socio-economic interventions para sa mga mahihirap na magsasaka at mga mangingisda at ang paghikayat sa mga investors na mga taga labas na mag-invest sa mga bayan sa autonomous region bilang suporta sa Mindanao peace process.

Sakop ng Bangsa­moro region ang Ma­guindanao del Sur, Ma­guindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato.

vuukle comment

BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with