^

Probinsiya

Wanted motornapper utas sa shootout, 2 arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Wanted motornapper utas sa shootout, 2 arestado
Ang dalawang sugatang motornapper matapos makipagbarilan sa awtoridad. Patay naman sa engkuwentro ang isa nilang kasamahang wanted makaraang magtangka silang mang-agaw ng motorsiklo ng isang sundalo sa President Quirino, Sultan Kudarat nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isang wanted na magnanakaw ng mga motorsiklo habang sugatan ang kanyang dalawang kasama sa isang engkuwentro sa Barangay Suben sa Presi­dent Quirino, Sultan Kudarat nitong Lunes.

Sa ulat nitong Lunes ng tanghali ni Brig. Gen. Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, tangka sa­nang aagawin ng mga armadong sina Bohari Basco, Oman Aliman at isang may alias na Arih ang motorsiklong Suzuki Raider 150 ng isang off-duty na sundalong si Sgt. John Acosta Valdez sa Barangay Suben sa President Quirino ngunit hindi nila itinuloy nang tumakbo palayo ang biktima at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Tumakas ang tatlo sakay ng isang motorsiklo ngunit inabutan ng mga kasapi ng President Quirino Municipal Police Station sa hangganan ng mga Barangays Suben at Mangelen at, sa halip na sumuko ay nanlaban kaya nagkapalitan ng putok.

Patay si Arih at sugatan naman sina Basco at Aliman sa naturang engkwentro na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng dalawang mga pistol, isang shotgun at ang Kawasaki Bajaj 125 na motorsiklo na gamit ng mga suspek.

Kinumpirma ng mga local executives ng President Quirino at mga karatig na bayan sa Sultan Kudarat at sa Tantangan, South Cotabato na sina Basco at Aliman ay mga miyembro ng isang armadong grupo na responsable sa pagkakaagaw sa walang labang mga motorista ng mahigit 20 na mga motorsiklo sa kanilang mga lugar nitong nakalipas na mga buwan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with