^

Probinsiya

Tanod, minolestiya ni ‘Kap Ugay’ sa barangay Hall

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Personal na nagtungo sa pulisya ang isang barangay tanod at nagharap ng reklamo laban sa tinatawag nilang “Kap Ugay” matapos umano siyang molestiyahin sa loob mismo ng kanilang Barangay Hall ng Brgy. Poblacion 5, Gen. Mariano Alvarez, dito sa lalawigan.

Sa salaysay sa pulisya ng isang alyas Phillip, miyembro ng Bantay Bayan, alas-12:17 ng tanghali nitong Mayo 5 nang magtungo umano siya sa kanilang Barangay Hall hinggil sa diumano’y “summon” na natanggap nito mula kay “Kap Ugay” ng nasabing Barangay .

May kinalaman umano sa trabaho  nito bilang Bantay Bayan ang nasabing pagpapatawag. Gayunman, pagdating umano nito sa Barangay Hall, nagulat na lamang umano siya nang bigla siyang ng hawakan ni alyas “Kap” sa puwet habang patungo sila sa opisina nito.

Nang makapasok sila sa opisina, agad ni-lock ng suspek ang pintuan at hinawakan na agad umano siya sa leeg at bewang saka siya pinupog ng halik sa labi.

Pumalag umano ang biktima subalit dito na umano pilit na hinawakan ng suspek ang kaniyang ari.

Nanlaban umano ang  biktima at mabilis itong lu­mabas ng silid at umalis ng Barangay Hall. Dumiretso umano ang biktima sa kaniyang tiyahin at isinumbong ang pangyayari.

Naglunsad na ng operasyon ang pulisya upang maaresto ang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with