^

Probinsiya

2 grupong Moro nagkasagupa: 6K residente nagsilikas

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 grupong Moro nagkasagupa: 6K residente nagsilikas
Bukod sa may 6,000 na residente sa dalawang barangay, nadamay rin ang mga alagang hayop sa sagupaan ng dalawang magkalabang grupo matapos nilang pagpapatayin ang mga kambing gamit ang mga assault rifles sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Hindi bababa sa 6,000 na residente ng dalawang barangay sa Mamasapano, Maguindanao del Sur ang lumikas sa mga evacuation sites sanhi ng panibagong barilan ng dalawang magkaaway na grupo nitong Linggo.

Sa pahayag ng mga apektadong residente nitong Martes, pinatay pa gamit ang mga assault rifles ng mga kasapi ng magkalabang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang mga alagang hayop na kanilang naiwan sa kanilang mga bakuran sa kalagitnaan ng naganap na kaguluhan sa kanilang kapaligiran.

Unang nagkapalitan ng putok ang mga grupo nila Zainudin Kiaro at CommanderBadruddin, parehong kasapi ng MILF, nitong April 4 at naulit na naman nitong Lunes.

Sa ulat nitong Martesni Vincent Cuales, municipal disaster risk reduction and management officer ng Mamasapano, namigay na ang kanilang local government unit ng inisyal na ayuda para sa mga residente ng Brgys. Pembalkan at Tunakalipao na apektado ng kaguluhan, at kasalukuyang nasa mga evacuation sites na.

Agawan diumano sa teritoryo at pulitika ang pinag-ugatan ng away ng dalawang grupo na ngayon ay sinisikap ng maareglo ng Mamasapano LGU, katuwang ang pulisya at mga matataas na mga opisyal na MILF upang manumbalik ng katahimikan sa Pembalkan at Tukanalipao.

vuukle comment

EVACUATION

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with