^

Probinsiya

Unyonista ng KMU patay sa 'pamamaril ng PNP-CIDG' sa Binangonan, Rizal

James Relativo - Philstar.com
Unyonista ng KMU patay sa 'pamamaril ng PNP-CIDG' sa Binangonan, Rizal
Satellite image ng Binangonan, Rizal mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang labor organizer na si Jude Thaddeus Fernandez matapos diumano pagbabarilin ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa kanilang bahay sa Binangonan, Rizal.

Ayon sa ulat ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong Miyerkules, 4 p.m. nang pagbabarilin hanggang mapaslang si Fernandez noong ika-29 ng Setyembre sa sinasabing insidente ng "extrajudicial killing" o EJK.

"Ayon sa ulat na aming natanggap, pinasok ang kanyang bahay na tinutuluyan sa Binangonan, Rizal. Hahainan diumano siya ng search warrant," wika ng KMU sa isang pahayag kanina.

"Pinapalabas ng PNP CIDG na 'nanlaban' umano si Fernandez, dahilan upang paputukan nila ito hanggang maideklarang 'dead on the spot.' Tuwiran naming pinabubulaanan ang naratibong ito. Si Fernandez ay organisador ng mga manggagawa, hindi armado."

 

 

Kasalukyang nag-oorganisa si Fernandez sa komunidad ng mga manggagawa upang mapalahok sila sa kampanyang dagdag-sahod at karapatan sa paggawa.

Nagsimulang maging aktiboo sa kilusang manggagawa si Fernandez noon pang Batas Militar ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Humihingi pa ng komento ang Philstar.com kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo tungkol sa paratang ng KMU ngunit hindi pa rin tumutugon hanggang sa ngayon.

May kinalaman sa gawaing aktibismo?

Napatay si Fernandez ngayong nagpapatuloy ang panawagan ng mga obrero para sa dagdag-sahod, lalo na't lumobo sa 5.3% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Matatandaang P35 hanggang P50 lang ang idinagdag sa arawang sahod ng mga taga-CALABARZON kahit na P750 ang hiling ng mga manggagawa dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa naturang rehiyon.

"Sa ultimo, ang inaatake ng estado ay ang makatarungang mga kampanya para sa dagdag-sahod, regular na trabaho, kalayaan sa pag-uunyon at iba pang mga karapatan," dagdag pa ng KMU.

"Kasalukuyang kinukuha ang mga labi upang maibigay na sa mga kaanak. Isasagawa ang tuluy-tuloy na fact-finding mission upang mailabas ang katotohanan sa naganap na pagpaslang."

Si Fernandez ang ika-72 biktima ng labor-related killings simula 2016, ayon sa naturang pederasyon ng unyon ng mga manggagawa. Siya rin ang ikaapat matapos ang International Labor Organization (ILO) High Level Tripartite Mission noong January 2023.

Inihahalintulad ng KMU ang naturang pagpaslang sa mga unyonistang sina Dandy Miguel, Manny Asuncion, Alex Dolorosa atbp. nitong mga nakalipas na taon.

vuukle comment

BINANGONAN

CIDG

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

KILUSANG MAYO UNO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RIZAL

WORKER'S RIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with