^

Probinsiya

Claimant ng P3.7 milyong Kush marijuana, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Claimant ng P3.7 milyong Kush marijuana, timbog
Idinaan ang shipment sa K9 sniffing at x-ray scanning at saka nagsagawa ng physical examination dahil sa kahina-hinalang impormasyon na nakalap at tumambad ang limang pakete ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na aabot sa 2,336 gramo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang claimant ng shipment na naglalaman ng P3.7 milyong halaga ng Kush marijuana sa Subic Bay Freeport Zone sa Pampanga.

Unang nadiskubre ang iligal na droga noong Pebrero 19 nang isama ang kontrabando sa package na nanggaling sa Quebec, Canada na idineklarang “window curtains, cotton.”

Idinaan ang shipment sa K9 sniffing at x-ray scanning at saka nagsagawa ng physical examination dahil sa kahina-hinalang impormasyon na nakalap at tumambad ang limang pakete ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na aabot sa 2,336 gramo.

Nitong Pebrero 20, nagkasa ang mga tauhan ng Port of Clark, Port of Subic at PDEA ng controlled delivery operation sa consignee sa Subic Bay Freeport Zone, na nagresulta sa pagkakadakip ng claimant nito na hindi muna pinangalanan ng mga otoridad.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Nangako naman si Port of Clark Collector John Simon na magpapatupad pa ng mas mahigpit na panuntunan para malabanan ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa at mapalakas ang border protection nila.

ARRESTED

DRUGS

KUSH

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with