^

Probinsiya

8 ‘tulak’ nasakote sa magkakasunod na drug bust sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Walong indibidwal na tulak umano ng ipinagbabawal na droga ang nadakma ng pulisya sa magkakasunod na drug buy-bust operations na isinagawa ng pulisya sa limang ba­yan at isang lungsod sa lalawigang ito, noong Miyerkules.

Nabatid kay P/Col. Rhoderick Campo, pro­vincial director ng Nueva Ecija Police, tina­tayang 21.01 gramo ng umano’y shabu at 3 gramo ng marijuana na aabot sa P206,630 ang halaga ng nasamsam sa 7 drug stings na isi­nagawa ng pulisya ng Llanera, Nampicuan, Talavera, Cabiao, San Leonardo at Cabana­tuan City.

Kinabibilangan ang mga nahuli ng anim na lalaki at dalawang da­yong babae na kinila­lang sina Dominador Leal, 60-anyos, may-asawa at magsasaka ng Brgy. Victoria, bayan ng Llanera; Vincent Elpeo, 21, binata ng Ba­rangay San Roque, Guimba, NE; Jacque Lou Mutuc, 28, at Mae-Ann Nicole Gutierez, 18, kapwa ng 2608 Tondo, Maynila; Aristeo Cuna­nan, 44, binata ng Brgy. Sta. Isabel, Cabiao, NE; Kenneth Santos 36, may-asawa, obrero ng Brgy. San Josef Sur, Cabanatuan City, at June Barlinan, 51, bi­nata, pintor ng Brgy. Cau­dillo, kapwa ng lungsod na ito; at Robert dela Cruz, 46, may-asawa at truck driver ng Brgy. Nieves, San Leonardo, NE.

Sa walong nadakip, ang dalawang dayong babae na sina Mutuc at Gutierez na hinuli ng mga tauhan ng Tala­vera Police ang nakuha­nan ng malaking bilang at halaga ng umano’y shabu na aabot sa 20.3 gramo ng shabu na may street value na P200,000 na nakalagay sa 7 plastic sachet.

Ang walong suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong pag­labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

RHODERICK CAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with