‘Heroes of Odette’ sa Central Visayas binigyang pugay
MANILA, Philippines — Binigyang pugay ng AP Partylist ang mga tinaguriang “Heroes of Odette” na mga linemen at electrical engineers na isinuong ang kanilang buhay sa panganib para kumpunihin ang mga nabuwal na poste ng kuryente sa pagbayo ni supertyphoon Odette sa Central Visayas Region.
Sina AP Party-list nominees Ronnie Ong at Chris Tio ang nanguna sa video ng pagpupugay at pagkilala sa matinding sakripisyo ng mga linemen, engineers at iba pang frontline personnel ng Visayan Electric Company (VISELCO) na siyang nangangasiwa sa distribusyon ng kuryente sa Cebu City at iba pang lugar sa Metro Cebu.
Ang mga frontliners ay binigyan ng sari-saring “baked goodies” para pagsaluhan ng mga ito at ng kanilang mga pamilya sa Bagong Taon.
Sinabi ni Ong na humahanga siya at dinudurog ang puso sa istorya ng sakripisyo ng mga linemen at electrical engineers ng VISELCO na nagtulong para manumbalik ang kuryente sa mga naapektuhang lugar sa Metro Cebu.
Ayon kay Ong nang mabatid ng VISELCO linemen at mga engineers na tatama sa Cebu ang supertyphoon Odette ay agad ang mga itong idineploy sa mga istratehikong lokasyon bago pa man hagupitin ng malakas na hangin at ulan ang Central Visayas.
“As soon as it became physically possible for them to go out, they immediately jumped into action and started reinstalling the damaged power lines even before even going hope to also check on their families,” ayon sa AP Partylist.
- Latest