^

Probinsiya

Bangka lumubog sa WPS: 31 mangingisda nasagip ng Navy

Pilipino Star Ngayon
Bangka lumubog sa WPS: 31 mangingisda nasagip ng Navy
Sa ulat ni Commo­­d­ore­ Don Anthony Mila­flor, commander ng Naval Forces West, humingi ng saklolo ang kapitan ng fishing boat FB Pauline 2 na si Placido Asusina matapos na mabutas ang kanilang bangka at pasukin ng tubig.
US Navy/File

MANILA, Philippines — Nasa 31 mangingisda­ ang nailigtas ng mga sundalo ng Philippine Navy nang lumubog ang kanilang sinasakyang­ bangka malapit sa Nares Bank sa West Philippine Sea noong Linggo.

Sa ulat ni Commo­­d­ore­ Don Anthony Mila­flor, commander ng Naval Forces West, humingi ng  saklolo ang kapitan ng fishing boat FB Pauline 2 na si Placido Asusina matapos na mabutas ang kanilang bangka at pasukin ng tubig.

Ang tawag ay natanggap ng isang kalapit na fishing boat ang FB Española at ini-report sa Naval Forces West ng kapitan nito na si Jafel Alipustain.

Agad inatasan ng Naval Forces West ang kanilang mga barko na nagpapatrolya sa lugar na sumaklolo at unang nakarating sa lumulubog­ na bangka ang BRP Emilio Jacinto (PS35).

Matapos maligtas ang 31 mangingisda, binigyan­ sila ng medikal na atensyon at pagkain at inihatid ng BRP Emilio Jacinto sa San Jose, Occidental Mindoro. Bangka lumubog sa WPS: 31 mangingisda nasagip ng Navy.

vuukle comment

FB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with