Bulkang Mayon muling nag-alboroto
MANILA, Philippines — Muli na namang nag-alboroto ang bulkang Mayon sa Bicol, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ang bulkang Mayon ng 14 quakes at 36 rockfall events mula noong Enero 1 hanggang Enero 15 at apat na volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ng Phivolcs na patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay simula nang pumasok ang bagong taon dahil sa ipinapakitang abnormalidad ng bulkan.
Naobserbahan din umano ang crater glow sa summit ng bulkan na makikita kung gabi.
Sa kabila nito, nananatili sa alert level 1 ang bulkan at pinagbabawalan ang sinuman na pumasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone sa paligid nito dahil sa banta ng phreatic eruptions na maaaring mangyari anumang oras.
- Latest