^

Probinsiya

Radio station assistan manager nag-amok, arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado at nahaharap sa kasong alarm and scandal at illegal discharge of firearm ang isang assistant manager ng isang radio station matapos na magwala at walang habas na magpaputok ng baril sa harap ng asawa ng may-ari ng kanyang pinagtatrabahuhang himpilan sa Brgy. Quirangay, Camalig, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jaime Baria Olarte, 47-anyos, nagsisilbing hepe ng “Anti-smoking Task Force” ng lungsod at residente ng Brgy.13, Marquez St., Legazpi City.

Sa ulat, dakong alas-7:40 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay biglang sumugod si Olarte sa harap ng bahay ni Jayroll Baile na may-ari ng kanilang radio station na DZJA Aguila 103.5 News FM.

Habang armado ng hindi malamang kalibre ng baril ay nagwala si Olarte at apat na beses na ipinutok ang dalang baril sa direksyon mismo ng asawa ng may-ari ng radio station na si Cherry Mae Baile, 33-anyos na masuwerte namang hindi tinamaan.

Dala ang cellphone ni Baile, kung saan nairekord lahat nito ang pagwawala at pagpapaputok ng suspek, ay sumugod sa police station at inireklamo ang huli.

Agad naaresto ang suspek pero hindi nakuha ng mga pulis ang ginamit na baril. Gayunman, dahil sa ebidensiyang hawak ng ginang ay sasampahan ng patung-patong na kaso ang suspek.

AMOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with