40 tsuper nabiyayaan ng pabahay
QUEZON , Philippines - Ipinagkaloob na ng city government ang unang 40 yunit na bahay sa mga tsuper ng jeepney at kawaning saklaw ng job order sa Lucena City, Quezon kamakalawa.
Ang 40 yunit na bahay ay nasa Barangay Silangang Mayao na lupaing binili ng pamahalaang lokal at tinawag na Don Victorville subdivision.
Ayon kay Mayor Roderick Alcala, nagkakahalaga ng P450,000 kada yunit na murang pabahay at babayaran ito ng mga tsuper at kawani sa iskemang kakayanin nila sa pamamagitan ng PAGIBIG fund.
Hindi magiging problema sa mga driver at kawani ang supply ng kuryente dahil ang mga ammenities na kanilang kakailanganin ay tinugunan ng pamahalaang lokal.
Inaasahan na sa susunod na tatlong buwan ay matatapos na ang kabuuang proyekto at mapagkakalooban ng murang pabahay ang 500 pang tsuper at kawani ng pamahalaan.
- Latest