^

Probinsiya

Palengke binomba: 4 patay, 33 sugatan

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Bulagta ang apat na sibilyan habang aabot naman sa 33 ang sugatan makaraang bombahin ng mga di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang pampublikong palengke sa Barangay Poblacion sa bayan ng M’lang, North Cotabato noong Miyerkules ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ay sina Christin Salu, Zenai­da Suelo 41 at kabilang pa ang dalawang di nakikilalang biktima habang naisugod naman sa Mlang District Hospital at Cotabato Provincial Hospital ang mga sugatang sina Sherly Jowod, Jawed Clyd Jawod, John Cendric Jawod, Gilbert Guadalupe, George Gearo, Joan Mae Salazar, Liza Buenafe, Nilo Condino, Jesus Cuerpo, Jewelyn Marfil, Felix Rotacio, Ivy Rotacio, Marilyn Borgonios, Jojit Aquino Makira, Jenely Matunan, Teresita Napot, Ceasario Largamen, Prencis Belarde, Kim Marc Bosque at si Susan Galla.

Sa ulat na nakarating kay Captain Jo-ann Peting­lay, spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division, isa sa mga anggulong sinisilip sa pagpapasabog ay paghihiganti ng kasamahan ng isa sa BIFF na nasakote ng mga awtoridad.

Nabatid na itinanim ang bomba sa pagitan ng Cuerpo Store at Sammy Mini-Grocery sa nabanggit na lugar.

Sa tala ng AFP, ang BIFF na namumugad sa Central Mindanao ay ang mga tinaguriang peace spoilers o nanabotahe sa kapayapaan.

Tumiwalag ang mga rebeldeng BIFF mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakipagkasundo para sa kapayapaan sa pamahalaan.

Magugunita na ito ang ikalawang madugong pambobomba sa nasabing ba­yan matapos ang naunang insidente noong Nobyembre 23 kung saan tatlo-katao ang namatay habang 20 naman ang nasugatan.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY POBLACION

CAPTAIN JO

CEASARIO LARGAMEN

CENTRAL MINDANAO

CHRISTIN SALU

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

CUERPO STORE

FELIX ROTACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with