^

Probinsiya

3 NPA tumba sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang tatlong rebeldeng New People’s Army sa naganap na magkakahiwalay na pakikipagsagupa sa tropa ng militar sa Surigao del Norte at Northern Samar, kamakalawa.

Ayon kay Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command, dakong alas-6:45 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Army’s 30th Infantry Battalion ang mga rebelde sa bahagi ng Mt. Taglintian, Barangay Tagbuyawan, bayan ng Mainit, Surigao del Norte.

Tumagal ng 30 minuto ang sagupaan kung saan dalawang rebelde ang bumulagta habang ang iba naman ay nagsitakas.

Narekober sa encounter site ng pangkat ni 2nd Lt. Jake Ramcel Gullega ang isang M653 rifle, M14 rifle, AK47 rifle, cal. 22 rifle-homemade, sampung backpacks, handheld radio, tatlong improvised explosive device, Magasine ng AK 47 na may tatlong rounds ng bala, dalawang sako ng bigas, medical supplies, mga personal na kagamitan, at mga subersibong mga dokumento.

Samantala, iniulat naman ni Major Amado Gutierrez, spokesman ng Army’s 8th Infantry Division, nakasagupa rin ng Army’s 34th Infantry Battalion ang mga rebeldeng NPA sa liblib na bahagi ng Barangay Osang, Catubig, Northern Samar kamakalawa ng umaga kung saan napatay ang isang rebelde.

BARANGAY OSANG

BARANGAY TAGBUYAWAN

CAPTAIN ALBERTO CABER

EASTERN MINDANAO COMMAND

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JAKE RAMCEL GULLEGA

MAJOR AMADO GUTIERREZ

MT. TAGLINTIAN

NORTHERN SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with