Pagpatay sa Zambo judge pinaparesolba agad ni PNoy
MANILA, Philippines – Inutusan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang hepe ng Zamboanga City police na panagutin ang nasa likod ng pagpatay sa isang mahistrado nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni City Mayor Isabelle Climaco-Salazar na si Aquino na mismo ang nag-utos sa pulisya na malutas ang pagpaslang kay Zamboanga City Regional Trial Court branch 14 Judge Reynerio Estacio nitong Biyernes sa harap mismo ng kanyang bahay.
“There was this directive no less than from the President for the city police director to respond to the killing of Judge Estacio,†pahayag ni Salazar.
Kaugnay na balita: Hukom itinumba ng tandem sa Zambo
Itinumba si Estacio ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ng kanyang sasakyan katabi ang asawa.
May kinalaman sa trabaho ni Estacio ang isa sa mga tinitignang anggulo sa likdo ng krimen.
Sinabi naman ni City police director Senior Superintendent Angelito Casimiro na mayroon na silang composite sketch ng mga suspek na sakay ng motorsiklo nang gawin ang pananambang.
Kaugnay na balita: Sereno: Imbestigasyon sa pagpatay sa Zambo judge madaliin
Noong araw din na iyon ay naglabas ng pahayag si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan pinapamadali niya ang paglutas sa kaso ni Estacio.
"I am asking the law enforcement offices to act swiftly in getting to the bottom of this incident and to hold the person or persons accountable for this criminal act," wika ni Sereno.
- Latest