15-anyos pinagalitan sa pakikipag-party, nagbigti
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam ng 15-anyos na binaÂtilyo ang ginawang pagkastigo ng mga magulang nito kaugnay sa pakikipag-party sa mga barkada ng hindi nagpapaalam matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Sibutad, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kay PNP regional spokesman P/Chief Insp. Ariel Huesca, kinilala ang biktima na si Jonel Basilan Anore ng Purok VI, Barangay Poblacion.
Halos natulala sa maÂtinding pagkabigla ang mga magulang ng biktima nang madiskubre kahapon ng umaÂga ang pagpapakamatay ng anak sa loob ng silid nito.
Nabatid na pinagalitan ng kaniyang mga magulang ang biktima dahil sa pag-alis nito ng walang paalam matapos na makipag-party sa kaniyang mga kaibigan kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Nagkulong ang biktima sa kaniyang silid kung saan naganap ang pagpapakamatay sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-8 ng gabi.
Ang biktima ay natagpuang nakabigti sa kuwarto nito matapos na katukin ng kaniyang mga magulang para mag-agahan.
- Latest