Lider ng PAG, arestado
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 41-anyos na lider ng private armed group (PAG) matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa lalawigan ng Abra kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Corpuz Alzate ng Bangued Regional Trial Court (RTC) Branch 2 sa kasong murder, robbery with physical injuries, dinakma ang suspek na si Tandingan Guayen ng bayan ng Tineg, Abra. Sa ulat ni Cordillera PNP director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, si Guayen ay kabilang sa itinuturing na 15th high risk provinces na idineklara ng Comelec na mahigpit na pinatututukan sa mga awtoridad. Hindi na nakapalag si Guayen ng damputin ng arresting team sa pamumuno nina P/Chief Supt. Roberto Soriano at P/Senior Supt. Benjamin Lusad.
- Latest