Patay ipinatawag ng korte sa kasong illegal logging
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Tinatawag pa rin ng mababang hukuman ang akusadong napatay noong pang 2012 kaugnay sa kasong illegal logging sa Isabela.
Sinabi ni Atty. Wilhelmino Dalit ng Clerk of Court ng Regional Trial Court Branch 17 na patuloy pa rin naka-schedule ang hearing ni Mario Lungan, kapatid ni Benito Soliven Vice Mayor Roberto Lungan hangga’t hindi pa natatanggap ng korte ang death certificate ng akusado para maibasura na ang kaso.
Ayon sa ulat, huling ipinatawag ng korte ang namayapang si Lungan noong Peb. 14, 2013.
Si Lungan na sakay ng traysikel ay sinalpok ng van ng punerarya sa kahabaan ng Roxas Provincial Road sa Bayan ng Gamu, Isabela noong Nob. 2012
Kaugnay nito, pinaghahanap naman ng batas sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Andrew Barcena ang kasabwat ni Lungan na si Jimmy Taguinod matapos mabigo itong mag-apply ng probation sa Department of Justice.
Naunang sinintensiyahan ng korte si Taguinod ng apat na taon at 2-buwan matapos maaresto ng mga kaugnay pagpupuslit ng troso noong Enero 2011.
- Latest