^

Probinsiya

6 Koreano, 17 Pinoy tiklo sa on-line dog fighting

-

CAVITE ,Philippines  — Rehas na bakal ang binagsakan ng 6 Koreano at 17 Pinoy sa isinagawang raid ng mga pulis sa on-line dog fight betting station sa Barangay Mahabang Kahoy Circa sa bayan ng

Indang, Cavi­te

kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. John Bulalacao, Cavite PNP director ang mga Koreanong suspek na sina Kim Jeong Py, 40; Kim Su Jeong, 27; Kim Sang Hyun, 28; Kang Jun Ho, 28; Lee Han Gu, 33; at si Kim Min, 31, pansamantalang nanunuluyan sa Summit Ridge Hotel sa Tagaytay City, Cavite.

Arestado rin ang 17 Pinoy na tagapag-alaga ng mga asong pitbull na kasalukuyang nakapiit sa Cavite Police Provincial Office sa bayan ng Imus, Cavite.

Ayon sa ulat, nakakuha ng impormasyon ang mga awtoridad kaya inilatag ang operasyon sa pangu­nguna ni P/Chief Insp. Gil Torralba, deputy chief ng Cavite Intelligence Bureau at representante ng Animal Kingdom Foundation na si Ronald Sariego.

Nasamsam ng raiding team sa warehouse ang ilang elec­tro­nic material kabilang ang 2 yunit na computer, speakers, microphones, headsets, camera, amplifiers, score boards at 252 asong pitbull. “Ang modus ng operation nila sa website at kung gusto mong pumusta sa pitbull makikita mo ang pictures online at pwede ka nang tumaya doon pag pinaglaban ang dalawang aso habang pinapanood mo live on-line,” pahayag ni Major Torralba.

Ilalagay naman sa pa­ngangalaga ng Animal Kingdom Foundation ang mga nalambat na aso samantalang kakasuhan naman ang mga suspek sa paglabag sa Section 6, RA 8485 (Animal Welfare Act of 1998).

vuukle comment

ANIMAL KINGDOM FOUNDATION

ANIMAL WELFARE ACT

BARANGAY MAHABANG KAHOY CIRCA

CAVITE

CAVITE INTELLIGENCE BUREAU

CAVITE POLICE PROVINCIAL OFFICE

CHIEF INSP

GIL TORRALBA

JOHN BULALACAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with