^

Probinsiya

No. 2 ‘most wanted’ sa Quezon, timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
No. 2 ‘most wanted’ sa Quezon, timbog
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Arestado ang isang 54-anyos na lalaki na nakatala bilang Rank No. 2 Most Wanted Person (MWP) na may kasong 23 bilang ng rape at qualified rape of a minor, sa operasyong isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang units ng pulisya sa Sitio Labas-B, Barangay Macasin, Mauban, Quezon.

Sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang suspek na si alyas “Iking”, 54, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Isinagawa ng mga tauhan ng Mauban Municipal Police Station (MPS) ang operasyon kamaka­lawa laban kay alyas “Iking” sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) kaugnay ng mga kasong Qualified Rape of a Minor at Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code.

Nakasaad sa warrant ang 23 magkakahiwalay na criminal cases sa Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 64, Mauban, Quezon, noong November 18, 2026.Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Nasa kustodya na ng Mauban Police si alyas Iking habang hinihintay ang kanyang turnover sa korte na may hurisdiksyon sa mga naturang kaso.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with