^

Probinsiya

Batang sirena isinilang

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines — Naging usap-usapan sa Brgy. Matoogtoog, Mercedes, Camarines Norte ang pagsilang ng isang sanggol na babae na ipinaglihi sa isang sirena makaraang bawian rin ng buhay dahil sa wala itong puwit at magkadikit ang mga paa, kamakailan. Nagawa pang mabuhay ng limang araw sa kanilang tahanan ang sanggol na pinangalanang Baby Mutya na hango sa isang teleserye na madalas na panoorin ng ina ng sanggol. Ang sanggol ay anak ng mag-asawang Fortunato at Jane Gonzales na naninirahan 'di kalayuan sa karagatan ng San Miguel Bay sa bayan ng Mercedes kung saan pa­ngingisda ang ikinabubuhay ng mga ito. Noong Agosto 5 ay isinugod ang sanggol sa Camarines Norte Provincial Hospital dahilan sa maselang kalagayan ng sanggol pero binawian rin ito ng buhay. Nabatid pa na tuwing umaga ay madalas na pumapasyal sa dalampasigan ang ina ni Mutya upang lumanghap ng sariwang hangin at naglalakad sa dalampasigan noong ito ay nagdadalantao pa lamang. 

BABY MUTYA

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

FORTUNATO

JANE GONZALES

MATOOGTOOG

MERCEDES

NOONG AGOSTO

SAN MIGUEL BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with