^

Probinsiya

11-anyos batang lalaki todas sa hit-and-run

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng Bagong Taon ang isang 11-anyos na lalaki matapos siyang nasawi, dalawang araw makaraang mabiktima ng hit-and-run ng pulang kotse sa Sta. Maria, Bulacan noong gabi ng December 28.

Sa ulat, ipinakita ang video footage sa nangyaring trahedya habang tumatawid ang biktima na bunso sa kanilang pamilya.

“Nakita ko na lang na lantang gulay yung kapatid ko doon. Agad-agad ko talagang itinakbo na talaga sa ospital. Hindi na ako naghintay ng ambulansya,” ayon kay Jake Arquiola, nakatatandang kapatid ng biktima.

Ang kanilang ina, ayaw umanong umalis sa tabi ng kabaong ng kaniyang bunsong anak.

“Hindi ko matanggap lalo na at Bagong Taon. Hindi ko nga alam kung masaya pa yung Bagong Taon namin kasi nawalan kami ng kapatid,” dagdag ni Jake.

Hindi pa rin nahuhuli ang suspek bagaman naiwan sa pinangyarihan ng insidente ang basag na salamin na may nakadikit na RFID sticker.

Nakuhanan din ng CCTV footage ang pagtakas ng kotse, na ibinigay sa pamilya ng biktima.

Naibigay naman ng pamilya sa Sta. Maria Police Station ang mga naturang impormasyon pero tumanggi muna ang mga otoridad na magbigay ng pahayag habang patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng driver.

Makikipag-ugnayan umano sila sa pamunuan ng North Luzon Expressway at nagsasagawa rin ng backtracking sa mga CCTV camera sa lugar.

Panawagan naman ng pamilya ng biktima sa suspek, sumuko na.

HIT AND RUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with