^

Probinsiya

Mag-utol niratrat ng nagwalang tanod: Kuya todas!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol niratrat ng nagwalang tanod: Kuya todas!

MANILA, Philippines — Patay ang isa habang sugatan ang nakababatang kapatid nito nang pagbabarilin ng isang nagwalang tanod na ­unang nakasagutan ng isa sa mga biktima sa inuman sa Brgy. Palong, Malasiqui, Pangasinan noong Miyerkules ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nakiki­pag-iinuman ang nakababatang kapatid na si alyas “Boy” at kanyang pinsan sa tapat ng kanilang bahay nang lapitan sila ng tanod na ‘di pinangalanan at nakisali sa laklakan.

Ayon kay Malasiqui Police chief PLt. Col. Francisco Sawadan Jr., sa gitna ng inuman ay kinausap ng suspect si Boy hanggang sa biglang mauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil sa lasing na, tinangka pa ng tanod na hampasin ng bote sa mukha si Boy, pero nakaiwas ito at bago umalis sa lugar ang una ay nagbanta pa sa biktima na kanyang babalikan.

Ilang sandali pa, lumabas naman sa kanilang bahay ang kuya ni Boy upang bumili sana ng si­garilyo. Dinaanan nito ang kapatid upang kausapin, pero eksaktong dumating na ang tanod na may dalang baril at walang sabi-sabing pina­ulanan ng bala ang magkapatid saka tumakas.

Tinamaan ng bala ang kuya sa likod na tumagos sa baba ng kanyang kili-kili at idineklarang dead-on-arrival sa ospital habang tinamaan din ng bala si Boy sa hita na patuloy na ginagamot sa ospital.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa tumakas na tanod.

TANOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with