^

Probinsiya

Mayor, 2 Army escort dinukot ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang tu­mang­ging magbigay ng revolutionary tax mula sa negosyong mining, fishing at logging kaya dinukot ang isang alkalde at dalawa nitong Army security escorts ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Sabangan sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang sumulpot ang armadong grupo ng Guerilla Front 20 sa bahay ni Lingig Mayor Henry Dano.

Hindi nakapalag sa mga rebelde si Mayor Dano at dalawang escort nito saka isinakay sa isa sa tatlong van na ginamit ng NPA na nakasuot ng barong, t-shirt na may tatak na NBI habang ang iba pa ay naka-camouflage uniform.

Nabatid na bago ang insidente ay nakatanggap na ng pagbabanta sa buhay ang nasabing alkalde kaya kumuha ng escort mula sa 75th IB na pinamumunuan ni  Lt. Col. Ruben Agarcio.

Sa huling monitoring, ang alkalde at dalawang security escort ay tinangay patungo sa direksyon ng Boston, Davao Oriental.

Binuo na rin ang Crisis Management Committee na pinamumunuan ni Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel para sa ligtas na pagbawi sa mga bihag.

Rescue team ng Army inambus

Samantala, habang nagsasagawa ng rescue mission ay napaslang naman ang isang sundalo habang anim naman ang nasugatan sa naganap na pananambang ng mga rebelde sa Sitio Mahogany, Barangay Pagbakatan.

Kinilala ang nasawi na si Pfc. Wenceslao Pena habang ang mga sugatan ay tinukoy lamang sa mga apelyidong Sgt. Porras, Pfc. Pirote, Pfc Castanares, Pvt. Laydan, Pvt. Valencia at ang Cafgu member na si Balingan.

Lumilitaw na lulan ng military galloper at Humvee ang pangkat ni Lt. Col. Ruben Agarcio ng 75th Infantry Battalion nang pasabugan ng landmine.

Hindi naman nasiraan ng loob ang mga sundalo na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde na nagsi­atras naman

Ang tropa ni Agarcio ay naatasang magsagawa ng rescue mission kay Lingig Mayor Henry Dano at 2 Army security escorts na binihag ng mga rebelde may ilang oras pa lamang ang nakalipas ng maganap ang pananambang.

vuukle comment

BARANGAY PAGBAKATAN

BARANGAY SABANGAN

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

DAVAO ORIENTAL

GOVERNOR JOHNNY PIMENTEL

GUERILLA FRONT

LINGIG MAYOR HENRY DANO

RUBEN AGARCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with