^

Probinsiya

Anak ng bestfriend tinangay sa utang

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines  — Ligtas na nabawi ng mga awtoridad ang isang walong buwang sanggol matapos na tangayin at ipatubos ng matalik na kaibigan ng kanyang ina dahil sa pagkakautang sa Bacoor, Cavite kamakalawa. Kinilala ang nailigtas na si Lester Santiarez, 8-buwang gulang at residente ng Espiritu Compound, Barangay Panapaan 4 ng bayang nabanggit habang nasakote ng kapulisan ang suspek na si Emily Dilaop alias Ems, 27-anyos, may-asawa at resi­dente ng Barcelona 1, Barangay Buhay na Tubig, Imus, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO1 Jacquiline Salazar dakong alas-11:00 ng umaga ng umiiyak na magreklamo sa himpilan ng pulisya ang ginang na si Connie Santiarez Leonardo matapos na tangayin ni Dilaop ang kanyang anak. Nabatid na humihingi ng ransom na P20,000 ang suspek sa una dahil may utang umano ito sa kanya kaya’t agad na nagsagawa ng entrapment ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

BACOOR

BARANGAY BUHAY

BARANGAY PANAPAAN

CAVITE

CONNIE SANTIAREZ LEONARDO

DILAOP

EMILY DILAOP

ESPIRITU COMPOUND

JACQUILINE SALAZAR

LESTER SANTIAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with