^

Probinsiya

Trader itinumba

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY, Philippines – Nasawi noon din ang isang 25 anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa harap mismo ng tindahan nito ng mga sidecar sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Mayapyap Sur, sa lungsod, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija Police Provincial Director, ang biktima na si Jonathan Bustamante, alyas Jonax, may-ari ng kilalang Jolo sidecar at may-asawa ng Barangay Mayapyap Sur, dito.

Si Bustamante ay nasapul ng tama ng bala sa likod at idineklarang dead- on-arrival sa Premiere Ge­neral Hospital.

Bandang alas-6 ng gabi ng biglang sumulpot sa puwesto ng biktima ang suspek na nagkunwaring bibili ng sidecar at habang nakikipagpatawaran sa presyo ay biglang pinagbabaril ang naturang negosyante.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay miyembro ng Tau Gamma fraternity at sinisilip na rin nila ang anggulong away-frat ang krimen maliban pa sa motibong may kaugnayan ito sa negosyo.

BARANGAY MAYAPYAP SUR

JONATHAN BUSTAMANTE

MAHARLIKA HIGHWAY

MAYAPYAP SUR

NUEVA ECIJA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

PREMIERE GE

ROBERTO ALIGGAYU

SENIOR SUPT

SI BUSTAMANTE

TAU GAMMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with