^

Probinsiya

4 sekyu minasaker ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat na security guard ng Del Monte Philippines ang iniulat na minasaker ng mga rebeldeng New People’s Army kung saan himalang nakaligtas ang dalawa na ngayon ay nakikipaglaban kay kamatayan sa naganap na paghahasik ng lagim sa plantasyon ng pinya sa Barangay Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa.

Kinilala ni Major Eugenio Julio Osias, chief ng  4th Civil Military Ope­rations ng 4th Infantry Division ang dalawa na sina Tito Yecyec at Ronilo Madrid na kapwa pawang miyembro ng Padlas Security Agency na nakatalaga sa Del Monte Philippines.

Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamata­yan sina Warlito Seigura at Antonio Alambitin.

Ban­dang alas-7:45 ng umaga habang lulan ng patrol car ng Del Monte Pineapple Plantation ang mga security guard nang ratratin sa bahagi ng Atugan Bridge.

Tinangay pa ng mga rebelde ang dalawang M16 Armalite rifles, shotgun, cal. 38 revolver ng mga sekyu.

Namataang tumahak ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Zone 5, Bayong Road sa bayan ng Impasug-ong lulan ng kulay asul na multicab.

Pinaniniwalaang nag­higanti ang mga rebelde laban sa may-ari ng kompanya dahil sa hindi pagbibigay ng revolutionary tax.

ANTONIO ALAMBITIN

ATUGAN BRIDGE

BARANGAY DALWANGAN

BAYONG ROAD

CIVIL MILITARY OPE

DEL MONTE PHILIPPINES

DEL MONTE PINEAPPLE PLANTATION

INFANTRY DIVISION

MAJOR EUGENIO JULIO OSIAS

MALAYBALAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with