^

Probinsiya

SMI binigyan ng presidential award

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Pinagkalooban ni Pangulong Benigno Aquino III ang Tampakan’s Sagittarius Mines Inc. (SMI) ng presidential mining industry environmental award (PMIEA) kamakailan.

Iginawad sa SMI ang nasabing award sa ginanap ika-57 annual national mine safety conference sa Baguio City. Si DENR Sec. Ramon Paje Jr. ang kumatawan kay Pangulong Aquino.

Ang SMI ang government contractor para sa Tampakan copper gold project.

Sinabi naman ni SMI general manager Mark Williams, sa pagtanggap nito ng prestigious presidential award na isusulong nito ang commitment ng kanilang kumpanya para sa pagbalanse ng kapaligiran, social at economic impact.

Ang PMIEA ang pinapangarap na award ng mga mining companies kung saan ay mahigpit ang pagpili ng mga gagawaran nito ng pagkilala. Sinisala ng PMIEA ang mga mining firm sa kanilang social development and management, information, education at communications gayundin ang safety at health program.

Sinabi naman ni Sec. Paje sa nasabing okasyon na suportado ng Pangulo ang responsableng pagmimina sa bansa.

BAGUIO CITY

IGINAWAD

MARK WILLIAMS

PAJE

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RAMON PAJE JR.

SAGITTARIUS MINES INC

SINABI

TAMPAKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with