^

Probinsiya

Sanggol, 4 pa dedo sa pamamaril!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Lima katao ang patay kabilang ang isang Islamic preacher at 12-buwang gulang na sanggol sa magkakahiwalay na gun attacks o pamamaril sa tatlong magkakalapit na bayan sa Central Mindanao nitong Lunes.

Sa ulat, ang Muslim missionary na si Alim Saad Casad Abdulhamid ay binaril nitong Lunes ng umaga ng isang gunman sa Barangay Mataya, Buldon, na kanyang agarang ikinasawi.

Sinabi kahapon ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente upang matukoy ang salarin at motibo sa pagpatay.

Sumunod rito, dalawang lalaking ethnic Maguin­danaon na kinilalang sina Ali Madsid Mling at Akmad Matabalao Pendililang, ang agarang nasawi matapos silang matadtad ng bala nang tambangan ng mga kalalakihan nitong Lunes sa Barangay Poblacion,  Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

Magkaangkas sa motorsiklo sina Mling at Pendililang nang paulanan ng bala ng mga nakaabang na armadong grupo sa gilid ng kalsada ng Sitio Olongapo sa Brgy. Poblacion, Datu Paglas.

Nang makitang napuruhan ang dalawa, mabilis na nagsitakas ang mga salarin sakay ng mga getaway motorcycles.

Makalipas ang dalawang oras, isang magsasakang Moro na si Norhan Mangulamas, at kanyang 12-buwang gulang na anak na lalaki ang napatay sa ambush sa Barangay Dalingaoen, Pikit, Cotabato.

Magkakasama sina Mangulamas, kanyang sanggol na anak at misis sa isang tricycle na minamaneho ng una nang sila ay pagbabarilin ng pistola ng mga lalaking nakaposisyon sa gilid ng highway sa Barangay Dalingaoen.

Agarang namatay ang mag-amang Mangulamas sa insdiente habang malubhang nasugatan ang misis.

ALIM

SAAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with