^

Probinsiya

Mag-ama minasaker sa Cavite!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama minasaker sa Cavite!
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina alyas “Carl”, 48-anyos at anak nito na si Angel, 22-anyos, kapwa residente ng Brgy. Delas Alas, GMA.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Naliligo sa dugo at kapwa wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang isang mag-ama sa naganap na masaker sa Gen, Mariano Alvarez, dito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina alyas “Carl”, 48-anyos at anak nito na si Angel, 22-anyos, kapwa residente ng Brgy. Delas Alas, GMA.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3 ng hapon nang madiskubre ang duguan at nakahandusay na katawan ng mag-ama sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, hindi umano sumasagot ang mag-ama sa tawag ng misis nito na si alyas “Juliet”.

Dahil dito, tinawagan ng ginang ang kapatid nito na si alyas “Rosa” upang alamin kung bakit hindi sumasagot sa tawag ang kanyang mag-ama.

Pagdating sa bahay ng mga biktima, sinilip ni Rosa mula sa bintana ang loob ng bahay hinggil sa walang sumasagot sa katok nito. Dito na niya nakita ang mga nakahandusay na mag-ama sa loob ng bahay at duguan.

Agad humingi ng tulong si Rosa sa barangay at pulisya at mag­responde ay natagpuan nilang nakahandusay ang katawan ng mag-ama malapit sa kusina at banyo.

May mga sugat ang mga ito sa katawan, pero inaalam pa ng pulisya kung mga tama ito ng saksak.

Wala pang natukoy na salarin sa insidente.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with