^

Probinsiya

82-anyos ina todas sa bugbog ng anak!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
82-anyos ina todas sa bugbog ng anak!
Kinaumagahan na nadiskubre ng isang barangay kagawad ang bangkay ng biktima na kinilala sa alyas na “Lola Maring,” isang retired teacher; habang umamin sa krimen at inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si alyas “Willy,” 46-anyos, binata, kapwa residente ng naturang lugar.
File photo

PILAR, Sorsogon, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 82-anyos na ina matapos bugbugin ng kanyang anak sa gitna ng pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Esperanza, dito, noong Biyernes na hapon.

Kinaumagahan na nadiskubre ng isang barangay kagawad ang bangkay ng biktima na kinilala sa alyas na “Lola Maring,” isang retired teacher; habang umamin sa krimen at inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si alyas “Willy,” 46-anyos, binata, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga noong Sabado ay nagulantang ang isang barangay kagawad nang pumasok siya sa bahay at tumambad ang duguan at wala nang buhay na matanda na nakahandusay sa sahig.

Agad tumawag sa Pilar Municipal Police Station ang barangay official na agad namang nagpadala ng responde mula sa Putiao Police Assistance Center.

Habang ginagawa ang imbestigasyon ay umamin ang suspek na siya ang nakapatay sa kanyang nanay.

Ayon sa suspek, dakong alas-5:30 ng hapon noong Biyernes, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng ina dahil hinihingi nito ang susi ng bahay para makalabas na ayaw ng ibigay ina.

Sa gitna ng pagtatalo ay itinulak umano siya ng ina dahilan para magdilim ang kanyang paningin sa galit kaya pinagsusuntok niya ang matanda sa mukha at ulo hanggang sa bumagsak at nasawi.

Dahil sa pag+amin ay agad inaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with