^

Probinsiya

NGO sa Marinduque LGU: P6.4 bilyon Marcopper

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) kay Gov. Melecio Go na agad gamitin ang $100 milyon o tinatayang P6.4 bilyong Marcopper settlement settlement gamitin sa rehab Nanawagan ang Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) kay Gov. Melecio Go na agad gamitin ang $100 milyon o tinatayang P6.4 bilyong Marcopper settlement para sa rehabilitasyon ng kapaligiran at proteksiyon sa mga komunidad na matagal nang apektado ng pagmimina.

Kasunod ito ng pagkuwestyon ni Go sa legalidad ng Provincial Ordinance No. 250, Series of 2025, na nagtatakda ng meka­nismo sa pangangasiwa ng pondo.

Nakatakda rito ang pagbuo ng oversight committee at project management office upang matiyak ang maayos at transparent na paggamit nito.

Naideposito na ang unang bayad na $50.71 milyon.

Ayon kay Father Arvin J. Madla ng MACEC, dapat agad buuin ang komite at rehabilitation master plan, kabilang ang teknikal na pagsusuri sa Maguila-guila at Makulapnit dams na posibleng magdulot ng panganib sa mga kalapit na komunidad.

Nagmula ang settlement sa pinsalang dulot ng Marcopper mining disaster noong Marso 1996. Inaprubahan ng Court of Appeals noong Oktubre 2025 ang $100-mil­yong kasunduan sa Barrick, na babayaran sa loob ng tatlong taon. Iginiit ng MACEC na huwag nang patagalin ang rehabilitasyon upang hindi na malagay sa panganib ang mga residente.

COURT

KOMITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with