^

Probinsiya

Empleyadang hinoldap sa Pasay, iniwan sa Batangas

-

BATANGAS, Philippines — Isang ba­baeng sales supervisor na hinoldap ng isang taxi driver sa Pasay City ang ini­wang nakagapos sa Na­sugbu, Batangas kama­kalawa.

Ang biktima ay nakila­lang si Fe Palenzuela-Cacanindin, 42-anyos, sales supervisor ng Tetra Technology Distributor Inc. at nakatira sa Bangkal, Ma­kati City.

Ayon sa ulat, sumakay ng taxi ang biktima patu­ngong Ding Velayo Complex sa Pasay ng holdapin ito ng driver habang na­katulog ang biktima at nang magising ay nakagapos na ang paa at kamay at wala na ang kanyang P68,000 cash. Iniwan sa gilid ng highway ang biktima sa Barangay Kaylaway, Na­sugbu kamakalawa ng gabi.Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga nagdadaan kaya nadala ito sa pulisya.

vuukle comment

AYON

BANGKAL

BARANGAY KAYLAWAY

BATANGAS

DING VELAYO COMPLEX

FE PALENZUELA-CACANINDIN

HUMINGI

PASAY CITY

SHY

TETRA TECHNOLOGY DISTRIBUTOR INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with