^

Probinsiya

Sekyu tinodas sa market demolition

-

BATANGAS, Philippines — Isang 47-anyos na security guard na kabilang sa demolition team ang iniulat na napa­tay habang 10 iba pa ang su­gatan makaraang ataki­hin at pagsasaksakin ng mga vendor sa bayan ng Cuen­ca, Batangas kaha­pon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt Alberto Supapo, Batangas police director ang napas­lang na si Bernadin De Castro na nagtamo ng sak­sak sa dibdib saman­talang sugatan naman sina Lino Diocos, 40; Sonny Delos Reyes, 22; Alez Ma­calin­dong, 38; Lito Mala­ubang, 37; Jonel Noay, 24; Jimmy Vergara, 42; at si Michael Angelo Lacorte, 27, pa­wang sekyu ng Ithiel Corporation.

Nabatid na naglalagay ng perimeter fence ang mga biktima sa loob ng Cuenca Public Market nang atakihin at pagsa­saksakin ng grupo ng vendor.

Sugatan din ang tatlong vendor na sina Joseph Raposa, 37; Geronimo Cue­vas, 58; at si Geromo Cuevas, 35 na pawang ginagamot sa Martin Ma­rasigan Hospital.

Iniimbestigahan naman ng pulisya si Jenver Tirasol na pinaniniwalaang naka­saksak kay De Castro.

Nag-ugat ang kagulu­han dahil sa planong pag­sasapribado ng nabang­ git na palengke mula sa pa­mahalaang bayan ng Cuen­ca na mariin na­mang tinututulan ng mga vendor.

ALEZ MA

BATANGAS

BERNADIN DE CASTRO

CUEN

CUENCA PUBLIC MARKET

DE CASTRO

GEROMO CUEVAS

GERONIMO CUE

ITHIEL CORPORATION

JENVER TIRASOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with