^

Probinsiya

Ampon kinasuhan sa nasunog na biyuda

-

MANILA, Philippines - Isinampa na kahapon ng pulisya sa prosecutors office ang kasong parricide laban sa isang 18-anyos na dalagang si Princess Rose Ann Golez dahil sa pagkamatay ng isang biyudang umampon sa una kamakailan. Kinasuhan naman ng murder ang kanyang nobyong si Melvin de Leon, 28- anyos.

Sinabi ng Rodriguez Police na may matibay na basehan at ebidensiya silang pinanghahawakan sa pagsampa nila ng kaso laban kina Princess at Melvin sa umano’y pakiki­pag-sabwatan ng mga ito sa isa’t isa sa pamamaslang sa biyudang negosyante na si Antonia Golez na ina-inahan ng dalaga.

Nakatakda namang dinggin ang nasabing mga kaso ng magnobyo sa September 21.

Hawak na ngayon ng pulisya si Princess at ang nobyo nito na hindi pinayagang magpiyansa.

Naunang sinabi ni Princess sa pulisya na ang kanyang ina-inahan ang mismong nagsunog sa sarili nito sa pamamagitan ng pagbuhos ng gasolina at sinindihan ito habang lulan ng kotseng Nissan sedan sa zigzag road ng San Jose, Rodriguez, Rizal noong Miyerkules ng umaga.

Ang naturang pahayag naman ng dalaga ay kinontra ng ilang mga testigo at mismong ng bunsong kapatid ng ginang kung saan ang una at ang nobyo nito ang idiniin ng mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTONIA GOLEZ

HAWAK

ISINAMPA

KINASUHAN

MELVIN

MIYERKULES

PRINCESS ROSE ANN GOLEZ

RODRIGUEZ POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with