^

Probinsiya

P50,000 pabuya sa tipster

-

CAMARINES NORTE, Philippines – Handang magbigay ng pabuyang P50,000 ang lokal na pamahalaan ng Daet sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga holdapan o magnanakaw na miyembro ng grupong Buag Gang upang tulu­yan ng masugpo ang pagtaas ng krimen sa nabanggit na bayan. Ito ang naging katugunan ni Mayor Tito S. Sarion sa ginanap na conference on peace and order kahapon ng umaga sa muni­sipyo na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, guro, kapu­lisan at miyembro ng People’s Law Enforcement Board.

Ayon kay Sarion, hindi na nagugustuhan ang patuloy na holdapan kabilang ang naganap na pagnanakaw ng korona ni Niño Hesus sa simbahan ng Daet noong Miyerkules na labis na naka­ka­apekto sa mga negosyante. Pinakahuling biktimang holdap ay ang negosyanteng si Liberty Jerez na may-ari ng Alpine Realty sa Brgy. Gubat kung saan dalawang ulit na binaril sa hita at natangay ang 2-bag na naglalaman ng malaking halaga noong Biyernes.

Hugas kamay naman si P/Supt. Enrico Amor na hindi lamang daw mga pulis ang kailangang gumalaw upang ma­aresto ang mga kriminal at dapat din kumilos ang taumbayan laban sa paglala ng kri­men. Inisnab naman ni P/Senior Supt. Emmanuel Ta­lento, provincial police director, ang kalatas na ipinadala ni Mayor Sarion sa hindi malaman kadahilanan. (Francis Elevado)


ALPINE REALTY

BUAG GANG

DAET

EMMANUEL TA

ENRICO AMOR

FRANCIS ELEVADO

LAW ENFORCEMENT BOARD

LIBERTY JEREZ

MAYOR SARION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with