^

Probinsiya

4 tauhan ni Palparan dinukot

-

MALOLOS CITY – Apat na tauhan ni ret. Gen. Jovito Pal­paran ang iniulat na na­wawala at pinaniniwa­laang di­nukot matapos ares­tuhin ng mga pulis sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, Bulacan, ayon sa ulat kaha­pon. Ito ang tahasang sinabi ni ret. Gen. Palparan na apat sa kanyang tauhan ang ka­salu­kuyang nawawala mata­pos arestuhin ng pulisya sa na­banggit na bayan.

Ayon pa kay Palparan, ang mga baril ng kanyang mga tauhan ay narekober na sa himpilan ng pulisya sa na­sabing bayan.

“Sabi ng pulis pinauwi na raw nila ‘yung apat kong tauhan, pero hanggang nga­yon ay hindi ko pa naki­kita,” dagdag pa ni Palparan.

Napag-ala­mang si Pal­paran  ay nag­tungo sa Brgy. Ca­­machin, sa bayan ng Don­­ya Remedios Trini­dad noong nakaraang linggo upang pangasiwaan ang pagpa­pababa sa mga ta­uhan niya sa 24-Hours Security Agen­cy na nagba­bantay sa mina­han ng bakal matapos mag­pa­­labas ng  temporary restraining order (TRO) si Judge Ro­dolfo De Guzman ng Ilde­fonso Municipal Trial Court sa Bulacan noong Hulyo 29.

Ayon kay Palpa­ran, naka­tanggap siya ng impormasyon na matagal na siyang hina­hanap ng mga pulis sa Bul­a­can subalit pinabulaanan na­man ni P/Senior Supt. Allen Ban­tolo, provincial police director na hinahanting nila si Palparan. (Dino Balabo)

ALLEN BAN

AYON

BULACAN

DE GUZMAN

DINO BALABO

DONYA REMEDIOS TRINIDAD

HOURS SECURITY AGEN

JOVITO PAL

PALPARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with