^

Probinsiya

Chinese candy ban sa Cebu

-

Kumilos na ang lokal na pamahalaan  para ipagbawal ang mga imported na ‘ube milk candy’ na gawa sa China ma­tapos malason ang 37 estud­yante sa elementarya na nara­tay sa pagamutan sa Madri­dejos, Cebu nitong Huwebes.

Nakipag-ugnayan na ang  lokal na pamahalaan ng Madri­dejos sa kanilang coun­terpart sa bayan ng Bantayan upang  alisin at ipagbawal ang pagbe­benta ng naturang mga candy.

Kasabay nito, iniutos din ni Madridejos Mayor Salvador Dela Fuente ang pagbabawal ng  pagbebenta ng lahat ng im­ported na candy sa  lugar.

Matatandaan na napaulat na 28 estudyante sa Grade IV mula sa San Agustin Elemen­tary School ang nalason sa kendi na gawa sa Guandong, China. Gayunman sa isinaga­wang beripikasyon ay nabatid na hindi lamang 28 kundi aabot sa 37 estudyante ang nalason sa naturang imported na candy. (Joy Cantos)

AGUSTIN

CEBU

JOY CANTOS

MADRI

MADRIDEJOS MAYOR SALVADOR DELA FUENTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with