Notoryus na carnapper syndicate, hulog sa BITAG
CAMP CRAME – Apat-katao ang kumpirmadong nasawi habang siyam na iba pa ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang pampasaherong dyipni ng mga biktima sa nakaparadang dump truck sa bahagi ng Barangay Itlugan sa bayan ng Rosario, Batangas kahapon. Kabilang sa mga biktima na namatay ay sina Savino Valencia, Benjamin Pineda at dalawang iba pang inaalam ang pagkikilanlan, habang ginagamot sa magkakahiwalay na ospital ang mga sugatan na sina Irene Cawilan, Demetrio Escalla, drayber ng nasabing dyip; Arnold Ang, Benjie Reyes, Jeanette Marquez, Diyosa Abdun, Vilma Sayangbita, at dalawang iba pa na hindi nabatid ang pangalan. Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Freddie Panen, hepe ng Batangas police, naitala ang insidente dakong alas-4 ng hapon habang binabagtas ng pampasaherong dyipni ni Escalla bago sumalpok sa nakaparadang Isuzu dump truck. Natanggal ang bubungan bago tumaob ang dyip na ikinasawi agad ng apat na biktima. Edwin Balasa
Canvassing pinasabugan
CAMP CRAME — Pinasabugan ng dalawang granada ang ginagawang canvassing sa isang eskwelahan sa Samagdang Village, Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi. Wala naman iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na pagsabog, ayon kay chief Supt. Joel Goltia, police regional office (PRO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Base sa ulat, naitala ang pagsabog dakong alas-9 ng gabi sa Basilan State College kung saan ginaganap ang canvassing. Animo’y naging war zone pansamantala ang nasabing lugar kung saan sumabog ang isang granada sa labas ng gate at pumaltos naman ang isa sa loob ng kampos. Pansamantalang sinuspinde ang bilangan kamakalawa ng gabi at itinuloy uli kahapon ng umaga kung saan nagtalaga ng mga pulis at military. Edwin Balasa
Mga Singson, namayagpag
VIGAN CITY, Ilocos Sur – Naiproklama na ng Comelec ang mga nanalong kandidato sa iba’t ibang posisyon sa Ilocos Sur makaraan ang mapayapang halalan noong Lunes (May 14). Kabilang sa mga bagong halal sina Deogracias Victor Savellano sa pagka-gobernador; Jerry Singson, vice governor; Ronald Singson, congressman sa 1st district at si Eric Singson, congressman sa 2nd district. Naiproklama rin ang bagong alkalde ng Vigan City na si Eva Marie Medina dahil sa walang lumaban at maging si re-electionist Mayor Allen Singson ng Candon City ay nanalo rin. Napag-alamang anak ni Chavit, ang nanalong kongresista na si Ronald, habang kapatid naman ang nanalong bise gobernador na si Jerry at pamangkin naman sina Mayor Medina at re-electionist Mayor Allen Singson, samantalang pinsan naman si Rep. Eric Singson. Myds Supnad
- Latest
- Trending