Gas poisoning: 2 tumba
January 20, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang tauhan ng cargo firm ang kumpirmadong nasawi habang sampu pa ang isinugod sa pagamutan makaraang makalanghap ng nakalalasong masangsang na amoy na sumingaw sa isang barko sa Zamboanga City kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga nasawi sa Brent Hospital ay kinilalang sina Efren Ladjapailu, 35, ng Upper Calarian, Zamboanga City at Ben Capito, 40, ng Sta. Catalina.
Sina Ladjapailu at Capito ay pawang kinatawan ng may-ari ng cargo vessel na pinangasiwaan ng mga ito ang pagbababa sa barko nang aksidente namang sumingaw ang toxic gas.
Kabilang pa sa mga biktima na ginagamot sa Brent Hospital ay sina Tatah Idjirae, Barlie Ahamad, Benjamin Bejerano, Felix Paler, Haiver Iddih at Iyah Basang na isa pang kargador sa Stevedoring Co. Samantalang ang iba pa na isinugod naman sa Zamboanga City Medical Center ay idineklarang nasa maayos ng kondisyon.
Base sa report ang mga biktima ay lulan ng ferry boat na M/V KC Beatries mula sa Jolo, Sulu na may mga lulang kargamento at mga pasahero nang dumaong sa pantalan.
Bigla na lamang nawalan nang ulirat sina Ladjapailu at Capito kayat sinaklolohan ang mga ito ng mga kargador, subalit marami pa sa mga biktima ang nahilo nang malanghap ang sumingaw na kemikal.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang madetermina ang pananagutan ng may-ari ng kargamento. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended