^

Probinsiya

Estudyante, kaibigan binistay ng bala

-
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Isang 3rd year college student at kaibigan nitong teenager ang pinagbababaril ng mga di-nakikilalang suspek matapos na sila’y harangin at komprontahin habang papauwi na sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Del Rosario, Bacon District, Sorsogon City.

Nakilala ang dalawang biktima ay sina Marnel Alaurin, 19, isang 3rd year college student ng Sorsogon State College at Josapat Dongsao, 17 , isang out of school youth at kapwa residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ni Sorsogon PNP Provincial Director P/SSupt. Joel Regondola na ang insidente ay naganap dakong alas-10:15 ng gabi habang ang dalawang biktima kasama ang kaibigang dalaga na si Micheil Dig ay naglalakad papauwi na sa kanilang tirahan.

Nang sila ay makarating sa harapan ng Barangay Chapel ay bigla na lamang silang tinawag ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Nagkaroon pa ng komprontasyon ang mga ito na nauwi sa mainitang pagtatalo. Minabuti ng dalawang biktima na kaagad na paalisin ang kanilang kasamang babae at makalipas lamang ng ilang minuto ay narinig ang huli ng sunud-sunod na putok. (Ed Casulla)

vuukle comment

BACON DISTRICT

BARANGAY CHAPEL

BARANGAY DEL ROSARIO

ED CASULLA

JOEL REGONDOLA

JOSAPAT DONGSAO

LEGAZPI CITY

MARNEL ALAURIN

MICHEIL DIG

PROVINCIAL DIRECTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with