^

Probinsiya

Briton pumalag sa akyat-bahay, tinigok

-
CAMP CRAME – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 78-anyos na Briton na pumalag sa dalawang kalalakihang pumasok sa kanyang bahay sa Sta. Felomina, Catalunan Grande, Davao City, kamakalawa ng madaling-araw.

Pitong tama ng patalim sa katawan ang tumapos sa buhay ni Derek Keith Whitehouse, samantalang hindi naman sinaktan ang 47-anyos na asawang si Mae Mangingos Whitehouse.

Sa nakalap na mga ebidensya ng pulisya sa crime scene, umakyat sa bubong ng bahay ang dalawang hindi kilalang lalaki saka dumaan sa bintana at dumaan sa kisameng tinungkab para makapasok sa kuwarto ng main bedroom kung saan magkatabing natutulog ang mag-asawa.

Nang makapasok ay agad na tinutukan ng patalim ang mag-asawa at tinakpan ang bibig ng lalaki sabay nagdeklara ng holdap na pilit ipinalalabas ang pera na itinatago ni Derek.

Sumigaw naman si Mae nang wala silang pera kaya’t nagalit ang mga suspek at agad na pinagsasaksak ang lalaki na tangkang manlaban.

Napag-alamang tumakas ang dalawang kawatan tangay ang P 40,000.00; 100 pounds at isang cellular phone.

Labis namang nagtataka ang pulisya kung bakit hindi sinaktan ng mga suspek ang babaeng asawa ng dayuhan kaya’t kasama ito sa iniimbestigahan sa naganap na krimen.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang piraso ng kulay berde at kulay asul na lubid na may habang 8 metro, isang electrical tape na kulay itim, kulay abong t-shirt na may tatak na Abercrombine na kulay pula at isang puting plastic. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABERCROMBINE

CATALUNAN GRANDE

DAVAO CITY

DEREK

DEREK KEITH WHITEHOUSE

FELOMINA

JOY CANTOS

MAE MANGINGOS WHITEHOUSE

NANG

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with